ngiting pinoy!

ngiting pinoy!

Napakaganda naman ng tayming ko, eniting na Filipino.

Napakaraming salita, kultura at mga kuwento ang makikita natin sa internet na nagsasalarawan ng eniting na Filipino*. May mga positibo at meron ding mga negatibo na tunay namang makikita sa iba’t ibang lahing Pinoy. Minsan nga naiisip ko Pinoy nga ba ako. Madalas kasi napagkakamalan akong Hapon dahil sa itsura at pananamit ko. Marahil sa tagal ko na rin dito sa bansang Hapon.

Pero kung papipiliin ako kung ano ang gusto kong katangian nating mga Filipino, “Ngiting Pinoy” ang unang babangitin ko. Kapag ang Pinoy ay ngumiti, lahat ng pighati ay nahahawi. Sabi nga nila ang mga Pinoy mababaw ang ngiti. Kahit na pinapagalitan na o kaya ay hirap na hirap na, napakadali nating mag-imbento ng ngiti. Meron pa ngang iba na inis na inis na, pero abot langit pa rin ang ngiti. 😀

Kung hinde ako nagkakamali, habang inaalala mo ang panahong iyon, nangingiti ka pa rin.

Mababaw mang sabihin, kapag ako’y tumitingin sa mga larawan ng mga kaibigan mga pamilya at mga mahal sa buhay, parang gusto kong bumalik sa panahong yaon, para lang makingiti. Kaya alam ko Pinoy talaga ako!

*Pandagdag Kaalaman:
Nung bata ako ang katagang “Filipino” ay hinde pa naiimbento. Kaya hanggang ngayon ang bigkas ko sa ‘F’ ay ep pa rin madalas. Si dating Pang. Cory Aquino ang nag-utos noon sa DECS (CHED na ngayon) na gamitin ang “F”, kasi siguro mas magandang pakinggan at tunay na internasyonal ang dating.

Advertisements